Debut Party.
Gusto ko sana palitan na ung layout ko kaso ung napili ko, ang hirap iedit nung codes so, baka bukas ko nalang gawin. (:
Naghahanap na ko ng party organizer para sa debut ko. Pinapahanap na kase ako ng mom ko, so hanap naman ako. Excited kase eh. Hahaha. Last night may nakausap na ko through ym, nag-search kase ako sa net tapos nakita ko ung site nila then kinuha ko ung email nila. Sila na ung magpplan para sa foods, pipili nlng ako kung ano un gusto ko and ung theme nung party. Basta sila na bahala sa lahat. Basta kailangan mo lang magpa-book sa kanila para makapag ready din sila. (: One month before ung event dapat magbayad na ng 50% down payment then ung other 50% sa mismong event na. Kaya nde nman cgro nila itatakbo ung pera, ayun kase iniisip ng mom ko baka daw peke. Hahahaha! Then ung venue baka sa club house nalang dito samen. Actually ayoko talga ng sobrang bonggang party, mom ko lang mapilit. Mas gusto ko ung simple lang, inuman lng tapos food trip, ganun. Tapos ung sobra akin na lang, para masaya. Hahahaha! Unique na pagce-celebrate ngayon ng debut pero meron talaga na mas gusto ung traditional way ng pagce-celebrate. :) Sabe nga ni ralph mag date nalang daw kame, mas masaya pa daw un. Hahahaha! Adik. :D
3 months pa nman before ung birthday ko kaya nde pa ko gano ngarag sa pag-aasikaso. Pero dapat may complete list na ko ng sure na pupunta para kase sa invitations && food per head kase ung bilang. So, dapat before matapos ung may sure na kung cno ung mga pupunta. Baka iadvance ko din ung party kase July12 ung bday ko which is sunday sabe ng kuya ko baka daw walang pumunta kase after nun monday may pasok sa school. So, baka gawin ko nalang July11 para may pumunta naman. Hahahaha! Medyo excited din naman ako kase once in a lifetime lang ung debut so tingin ko masaya nman. :D
Anyway, kung sino may alam na event organizer please inform me. Para naman may option ako. Thanks. :D
Labels: Excited, Fun, Partyyy, Random