<body>




tiktok
WITH MY HANDS UP, PUT YOUR HANDS UP,
« Back to main
Disclaimer
Hello. This is where you place your rules or maybe some random stuff. Twitter maybe. Please don't make this so long, it will start looking weird.

This skin is best viewed in Mozilla Firefox under a 1280px x 800px screen resolution.
NOW THE PARTY DON’T START TIL’ I WALK IN.
KaEng Engan. Haha.
Friday, November 7, 2008 @ 5:16 PM

Ang sipag ko ngayon. :))

Nagising ako ng mga 11:00am tapos pumunta kong wet market sobrang sipag ko nde na ko nakapagpalit ng damit. Naka PANTULOG pa ko! Hahahaha. Buti nalang nakaJacket ako. Umuulan kasi tapos naghood nalang ako. Kaya pala tinitingnan ako nung mga tao sa wet market. Eng eng kasi. Hahaha! Hindi pa ko marunong mamalengke. Hindi ako marunong tumawad ee kung ano ung sinabi nung tindera yun na yun. Yung ale pa ung nagsabi na babawasan nalang nya. :)) Nung pauwi na ko muntik pa kong masagasaan :( Baliw kasi ung driver nung truck. Hindi pa ko tatawid tapos tinawag ako tapos pinapatawid na ko. Ako naman si eng eng tumawid nga tapos muntik na kong mahagip nung isang sasakyan. Ung guard nung village namen patakbo na sakin ee. Kala nya masasagasaan ako. Tapos nung nakatawid na ko tawa sakin si manong ee tumawa nalang din ako para nde sya mag mukang baliw. Hahaha. Jokeeee.


Tapos nung pag uwi ko nagluto ko ng ulam namen tapos naghugas ng plato. sipag ko dibaaa.? Naweirdan nga sakin ung bro && cous ko ee. Mga ganung time kasi tulog pa ko o kaya nanonood lang ng tv. Nde ako madalas gumagawa ng mga house chores. Kuya ko lang. Minsan nga nagrereklamo na un ee kasi parang yaya daw namin sya. Naaawa na nga din ako kaso tamad akong kumilos ee kaya SORRY nalang. Hahahaha!

Nde pa din nakakapasok ung bro ko ngayon. Super maga talaga ung ipin nya. Para nga syang may malaking lollipop sa loob ng bibig nya. Hahaha. Tapos nung paguwi ko kanina galing wet market nahuli ko silang nanonood ng bold. Hahaha! Tapos sabi ko anong ginagawa nya huh.? Sabi nya, Wala aa! (Sabay patay ng dvd) Kala ko ba mmya kpa uuwi?. Hahaha. Palusottt! :)

Labels: , ,

back to top ↑
© Layout done by materialisti-c. xoxoxo